Wednesday ∗ 17 Oct 2012

on kabastusan and Akbayan

because to me the ultimate kabastusan, what is truly disgusting, is to pretend to be of the marginalized, when you are so obviously already in prized posts in Malacanang, and at this point are coming off as a presidential sister, too.

you might imagine your kabastusan the acceptable kind, but you are no better than Gloria Macapagal-Arroyo making her son and allies run for partylist rep. for all your anti-GMA rhetoric PNoy, you are becoming like her in many ways. complete with wanting to silence critics. good job.

we focus on the burgis notions of kabastusan? we silence the more valid questions.

GOOD MORAL CONDUCT
ni Joi Barrios, Member, Alliance of Concerned Teachers

Tumpak.
Ibagsak natin sa good moral conduct
Ang mga kabataang
Nanggulo,
Naghihiyaw,
Walang modo.
Diumano ay walang pitagan
Sa mga kagalang-galang
Na diputado at opisyal
Ng pamahalaan.

Huwag, huwag nating pakinggan
Ang mga isinisigaw nilang mga pangalan:
Cris Hugo.
Sherlyn Cadapan.
Karen Empeno.
Huwag pakinggan, sabay kalimutan
Ang mga kapwa nila kabataang pinaslang
Pagkat tinukoy, ipinagdiinang
Komunista kung kaya’t
dapat hatulan ng kamatayan.

Hala, kaladkarin na palabas
Ang maiingay na kabataan.
Saktan, sapakin siyang di mabusalan,
Sabay pagbuntunan ng sisi
Silang marahil ay nagsulsol sa sunod-sunuran
Na mapagbasag-ulo na’y uhugin pa lamang.

Ano nga ba ang tama at wasto?
Siyang nagpipinta ng pula sa bawat aktibista
Ay alipin ng pangamba.
Siyang nananahimik sa pandarahas
Manhid na ang pandama.
E ano naman?
Hinding-hindi sila babagsak
Sa good moral conduct.

Posted in: bayan, gobyerno, ibang boses

Tagged: , , , ,

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Katrina Stuart Santiago  ·  Contact Me
Wordpress theme and web development by @joelsantiago